HOW TO COOK CHORIZO DE BILBAO
Wednesday, 14 August 2019
CHORIZO DE BILBAO RECIPE
MGA SANGKAP:
1/2 kilong giniling na baka
1/2 kilong giniling na baboy
1/4 kilong taba ng baboy, tinadtad
1/4 kutsaritang salitre
2 kutsarang pinong asin (iodized salt)
2 kutsarang asukal
3 kutsaritang pamintang durog
1 ulo ng bawang, tinadtad
1/4 tasang pimento
3/4 tasang mantika
pinatuyong bituka ng baboy (longganisa casing)
PARAAN NG PAGLUTO:
1. Lutuin sa mantika ang bawang.
2. Ilagay ang bawang at mantika sa giniling na baka kasama ang giniling na baboy at taba ng baboy.
3. Ihalo ang natitirang sangkap at haluing maigi.
4. Maingat na ilagay ang nahalong sangkap sa loob ng longganisa casing.
5. Dapat ay 4 na pulgada ang haba ng isang chorizo.
6. Iambak ito sa refrigerator ng 3 araw.
7. Sa ika-4 na araw, alisin na sa ref ang chorizo at ilagay sa kawali.
8. Buhusan ng tubig at pakuluan ng 10 minuto.
9. Sundutin ng tinidor upang lumabas ang hangin mula sa chorizo.
10. Hanguin at patuluin.
11. Isa isang tabi ang sabaw ng pinagkuluan.
12. Ibilad sa ilalim ng araw o patuyuin sa hurno ng 200 degrees fahrenheit ng 2 oras.
13. Ilagay muli sa kawali.
14. Ibalik ang sabaw ng pinagkuluan.
15. Magdagdag ng 3/4 tasang mantika.
16. Pakuluan hanggang matuyo at maiwan ang taba.
17. Bali-baliktarin upang habang niluluto ay hindi dumikit sa kawali.
18. Palamigin at ilagay sa lalagyanan na may takip.
19. Ibuhos ang mantika na pinagprituhan.
20. Maari nang iimbak sa refrigerator ang chorizo.
Subscribe to:
Posts (Atom)